Font Size
Mateo 7:13-14
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Mateo 7:13-14
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Ang Makipot na Pintuan(A)
13 “Pumasok(B) kayo sa makipot na pintuan. Sapagkat maluwang ang pintuan at malapad ang daang papunta sa kapahamakan, at ito ang dinaraanan ng marami. 14 Ngunit makipot ang pintuan at makitid ang daang papunta sa buhay, at kakaunti ang nakakatagpo niyon.”
Read full chapter
Mateo 7:21-23
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Mateo 7:21-23
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Hindi Ko Kayo Kilala(A)
21 “Hindi lahat ng tumatawag sa akin, ‘Panginoon, Panginoon,’ ay papasok sa kaharian ng langit, kundi ang mga taong sumusunod sa kalooban ng aking Ama na nasa langit. 22 Sa Araw ng Paghuhukom marami ang magsasabi sa akin, ‘Panginoon, hindi po ba't sa iyong pangalan ay nangaral kami, nagpalayas ng mga demonyo at gumawa ng mga himala?’ 23 Ngunit(B) sasabihin ko sa kanila, ‘Hindi ko kayo kilala. Lumayo kayo sa akin, kayong mga gumagawa ng kasamaan.’”
Read full chapter