Font Size
Genesis 35:16-19
Magandang Balita Biblia
Genesis 35:16-19
Magandang Balita Biblia
Namatay si Raquel
16 Umalis sila sa Bethel. Nang sila'y malapit na sa Efrata, naramdaman ni Raquel na manganganak na siya at napakatindi ng kanyang hirap. 17 Sinabi sa kanya ng hilot, “Huwag kang matakot, lalaki na naman ang isisilang mo.” 18 Nasa bingit na siya ng kamatayan, at bago siya nalagutan ng hininga, ang sanggol ay tinawag niyang Benoni,[a] ngunit Benjamin[b] naman ang ipinangalan ni Jacob.
19 Namatay si Raquel at inilibing sa tabi ng daang patungo sa Efrata na ngayon ay Bethlehem.
Read full chapterFootnotes
- Genesis 35:18 BENONI: Sa wikang Hebreo, ang kahulugan ng salitang ito ay “anak ng aking pagdadalamhati”.
- Genesis 35:18 BENJAMIN: Sa wikang Hebreo, ang kahulugan ng salitang ito ay “anak na pagpapalain”.
Mateo 2:18
Magandang Balita Biblia
Mateo 2:18
Magandang Balita Biblia
18 “Narinig(A) sa Rama ang isang tinig,
tinig ng pananangis at ng malakas na panaghoy.
Tinatangisan ni Raquel ang kanyang mga anak.
Ayaw niyang paaliw sapagkat patay na sila.”
Magandang Balita Biblia (MBBTAG)
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.