Ezekiel 32:7
Magandang Balita Biblia
7 Sa(A) pagpapaalis ko sa iyo, tatakpan ko ang kalangitan. Tatakpan ko ng makapal na ulap ang mga bituin. Gayon din ang araw; at ang buwan ay hindi na magliliwanag.
Read full chapter
Mateo 24:29
Magandang Balita Biblia
Ang Pagparito ng Anak ng Tao(A)
29 “Pagkatapos(B) ng kapighatian sa mga araw na iyon, magdidilim ang araw, hindi magliliwanag ang buwan, malalaglag mula sa langit ang mga bituin, at mayayanig ang mga kapangyarihan sa kalawakan.
Read full chapter
Marcos 13:24-25
Magandang Balita Biblia
Ang Pagbabalik ng Anak ng Tao(A)
24 “Subalit(B) sa mga araw na iyon, pagkatapos ng kapighatiang iyon, magdidilim ang araw, hindi magliliwanag ang buwan, 25 malalaglag(C) mula sa langit ang mga bituin, at magugulo ang mga kapangyarihan sa kalawakan.
Read full chapter
Lucas 21:25
Magandang Balita Biblia
Ang Pagdating ng Anak ng Tao(A)
25 “Magkakaroon(B) ng mga palatandaan sa araw, sa buwan, at sa mga bituin. Sa lupa, ang mga bansa ay masisindak at malilito dahil sa ugong at mga daluyong ng dagat.
Read full chapter
Pahayag 6:12-13
Magandang Balita Biblia
12 Nang(A) alisin ng Kordero ang pang-anim na selyo, lumindol nang malakas, ang araw ay nagdilim na kasing itim ng damit panluksa at ang buwan ay naging kasimpula ng dugo. 13 Nalaglag(B) mula sa langit ang mga bituin na parang mga bubot na bunga ng igos kapag hinahampas ng malakas na hangin.
Read full chapter
Pahayag 8:12
Magandang Balita Biblia
12 Hinipan(A) ng ikaapat na anghel ang kanyang trumpeta at napinsala ang ikatlong bahagi ng araw, ang ikatlong bahagi ng buwan, at ang ikatlong bahagi ng mga bituin, kaya't nawala ang ikatlong bahagi ng kanilang liwanag. Nagdilim ang ikatlong bahagi ng maghapon, at walang tumanglaw sa ikatlong bahagi ng magdamag.
Read full chapterMagandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.